CALIFORNIA (AP) – Sa parehong araw na bumili ang Facebook ng ads sa U.S. at British newspapers para humingi ng paumanhin para sa Cambridge Analytica scandal, humarap sa panibagong katanungan ang social media tungkol sa pangongolekta ng phone numbers at text messages mula sa Android devices.

Iniulat ng website na Ars Technica na natuklasan ng users na kinolekta ng Facebook ang ilang taong contact names, telephone numbers, call lengths at text messages.

Sinabi ng Facebook na ang impormasyon ay in-upload sa secure servers at nagmula lamang sa users na nagpapahintulot nito. Ayon sa kumpanya, hindi ibenenta o ibinahagi sa friends o sa outside apps ang data at ginamit “to improve people’s experience across Facebook’’.

Sinabi ng Facebook na mga ginamit na data ay nagmula lamang sa Android phones

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina