LAS VEGAS (AP) — Isasailalim sa imbestigasyon si Canelo Alvarez upang makapagpaliwanag kung bakit nagpositibo sa performance enhancing drugs kung nais nitong matuloy ang rematch kay middleweight champion Gennady Golovkin sa Mayo 5.

alvarez

Sinuspinde ng Nevada Athletic Commission ang Mexican superstar habang gumugulong ang imbestigasyon at nakatakdang simulan ang hearing sa Abril 10. Nagpositibo ang dalawang doping test ni Alvarez sa ipinagbabawal na Clenbuterol.

Hindi kailangang dumalo ng personal ni Alvarez sa hearing, ngunit kailangang may kinatawan siya na dedepensa sa kanya.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Inaasahan ng marami ang rematch ng dalawang superstar matapos ang kanilang laban nitong September na nauwi sa draw.

Kapwa tatanggap ng malaking premyo ang dalawa sa laban na itinakada sa Mayo 5 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas Strip.

Nauna nang kinabog ni Golovkin si Alvarez hingil sa naturang resulta at aniya, hindi makatotohanan ang alibi nito na nakuha ang droga sa kinaing karne. Aniya, may suspetsa siyang gumamit ng droga si Alvarez sa araw ng kanilang kanilan laban.

Sa opisyal na pahayag ng Golden Boy Promotions sinabi nilang nakuha ni Alvarez ang naturang substances sa kinaing karne.