Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Dahil sa takot sa Oplan Tokhang ng pulisya, minabuting sumuko ng 14 na umano’y drug pusher upang magbagong-buhay sa Tarlac City.

Kinilala ni Tarlac Police Provincial Office director, Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ang mga sumuko na sina Culvier John Magcalas, 34; Ronnie Mendoza, 23; Jessie Morales, 40, pawang ng Barangay Baculong; at Renegade Santos, 31, ng Bgy. Bulo, Victoria, Tarlac.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumuko rin sina Ronnie Glario, 25, ng Bgy. Marawi, Camiling; Rogelio Obcena, 38, Fernando Ildefonso, 45, kapwa ng Bgy. Ablang-Sapang, Moncada; Ronel Balbuena, 37, ng Bgy. Poblacion 2, Pura; Ian Guiao, 39, ng Bgy. Suizo; Romel Simbillo, 42, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City; Celso Antalan, 29, ng Bgy. Canarem, Victoria; Ronald Rico, 31, ng Bgy. Bilad, Camiling; Dennis Miranda, 32, ng Bgy. Binauganan; at Elmer Tacliad, 46, ng Bgy. Aguso, Tarlac City.

Matatandaang sunud-sunod ang isinagawang operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga sa lungsod sa nakalipas na buwan.