Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan kahapon ng Department of Health (DoH) ang mga Katoliko, na tradisyon nang magpenitensiya sa paghataw sa sariling likod at magpapako sa krus, na mag-ingat sa tetano at impeksiyon.

Ayon sa DoH, maaaring dapuan ng impeksiyon at tetano ang mga magpepenitensiya kung may kalawang ang pakong gagamitin sa pagpapapako sa krus at kung marumi ang gagamiting panghataw sa likod.

Payo pa ng DoH, dapat tiyakin ng mga namamanata na malinis ang pamalong gamit sa pagpepenitensiya, at walang kalawang at na-sterilize ang pako sa pagbababad nito sa alcohol.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagkatapos ng penitensiya, dapat na linisin at gamutin kaagad ang mga sugat, gamit ang malinis na tubig at sabon.

Dapat din umanong magpabakuna ng Tetanus toxoid (TT) o Anti-tetanus serum (ATS) bago magpapako sa krus.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng Simbahang Katoliko ang mga deboto na hindi na dapat pang saktan ang sarili kapag Semana Santa upang mapatawad ng Panginoon ang mga kasalanan, dahil ang pangungumpisal, pananalangin at pagbabago lamang ay sapat na.

Gugunitain ng mga Katoliko ngayong araw ang Linggo ng Palaspas, na hudyat ng simula ng isang-linggong Semana Santa.

“God is always visiting us. He comes to us. This is the message of Palm Sunday. Palm Sunday celebrates Jesus’ entry into Jerusalem. All welcome Him. All rejoice, happy with His coming. Whatever we are in, whoever we are in the society, God comes to us. He wants us to experience Him, have an encounter with Him. And so, let us welcome Jesus in our lives,” sabi ni Balanga Bishop Ruperto C. Santos, pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People. (May ulat ni Christina I. Hermoso)