NANATILI matatag ang kampanya ng University of Santo Tomas sa Final Four, habang nabuhayan ang sisinghap-singhap na laban ng University of the East sa UAAP Season 80 men’s football tournament nitong Huwebes sa FEU-Diliman pitch.

Kumana si John Ian De Castro para pagbidahan ang Growling Tigers sa 5-0 panalo kontra Adamson University, habang nagbida si Kent Galaura sa 10-0 panalo ng Red Warriors sa National University.

Ginapi naman ng semifinalist University of the Philippines ang La Salle, 2-0 para manatiling nasa unahan tangan ang 29 puntos, habang nasa No.4 ang Green Archers na may 16 puntos.

“Honestly, sobrang thankful lang ako at nakuha namin ang game. Yun ang target namin today, ang makuha ang three points. Yung pangarap naming to be in the Final Four, nandoon pa rin,” pahayag ni UE coach Fitch Florence Arboleda.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!