TINANGGAP ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra (kanan) ang ‘Posthumous Award’ para sa namayapang ama na si dating House Speaker at sportsman Ramon ‘Monching’ Mitra sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo).

TINANGGAP ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra (kanan) ang ‘Posthumous Award’ para sa namayapang ama na si dating House Speaker at sportsman Ramon ‘Monching’ Mitra sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo).

Kongreso, umayuda sa mandato ng Games and Amusement Board

Ni Edwin G. Rollon

KINATIGAN ng House of Representative, sa pamamagitan ng Committee on Games and Amusement, ang pangangailangan ng Games ang Amusement Board (GAB) nang mas matalas na pangil para maipatupad ng todo ang kapangyarihan ng ahensiya sa lahat ng professional sports sa bansa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kamakailan, naipasa sa committee level ang House Bill No. 4843 o ‘Games and Amusement Board Act’ na isinulong nina Bicol Rep. Rodel M. Batocabe at Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo.

Batay sa naturang House Bill, mas pinalawig nito ang kapangyarihan ng GAB para ma-regulate ang lahat ng professional sports at masawata ang lahat ng uri ng ilegal na aktibidad mula sa mismatching sa boxing, ilegal bookies sa horseracing, on-line sabong betting at paggamit ng droga ng mga atleta.

‘Although WADA (World Anti-Doping Agency) ang nagsasagawa ng drug testing sa mga atleta sa world champion and Olympics, kami sa GAB ang binabantayan namin yung mga professional athletes,” sambit ni GAB Chairman Baham Mitra.

“Pero para sa kaalaman ng lahat, anuman ang resulta ng drug testing, hindi ito dapat katakutan ng mga atleta na magiging dahilan para mapahuli sila. Siyempre hindi natin papayagan na lumaro o lumaban yung mga atleta na magpositibo pero hindi namin sila ipakukulong,” aniya.

Sa kabila ng kasalukuyang mandato ng GAB, walang matalas na pangil ang ahensiya para maisulong ang programa laban sa ilegal bookies at ang sumisikat ngayong on-line sabong betting.

“We are now seeking the help and support of the Senate. Kung magkakaroon ng parehong bill na tulad sa Kongreso mas mapapabilis ang pagsasabatas nito,” pahayag ng dating Palawan Congressman.

“Actually, simple lang naman kung tutuusin. Kung walang malaking perang involve at premyo sa atleta, amateur ‘yan. Pero kung may bayad nang natatanggap, professional ‘yan sa amin ‘yan sa GAB.”

Sa quasi-judicial power na ibinibigay ng naturang House Bill, nakasaad na ‘The Board shall have the power to hear and decide any matter, controversy, or dispute arising from this Act’, including”

1) To summons parties, issue subpoena or require the production of such books, papers, contracts, record or other documents as may be necessary for the just determination and adjudication of any matter under investigation

2) To impose administrative sanctions and fines.

“Marami kaming dapat gawin at ayusin sa GAB, pero kahit hindi ganoon karami ang ating manpower, nagagawan natin ng paraan,’ sambit ni Mitra.

Sa pagbibigay ng permit at lisensiya, ibinida ng GAB na tumaas sa 534 mula sa 428 ang nabigyan ng permits sa taong 2017, habang 1,735 mula sa 1,160 ang nabigyan ng lisensiya. Mula rito, nakakolekta ang ahensiya ng P3,415,088 mula sa P2,326,292.. sa taong 2016.

Maging sa revenues sa horceracing, sinabi ni Mitra na tumaas ang nakolekta ng ahensiya sa kabila ng mas mababang bilang ng mga karera sa taong 2017.

“Ito’y resulta sa puspusan nating pagsugpo sa ilegal bookies. Pag nalimitahan mo yang mga ilegal bookies, siguradong ang pamahalaan through revenues ang makikinabang,” pahayag ni Mitra.