IKINALUGOD ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang inisyatibo ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasiwa ni Commissioner Charles Maxey, para palakasin ang kamalayan sa sports at maisama sa sports development program ng pamahalaan ang Indigeous People.
“Masayang-masaya si Gov. Zubiri sa programa at nagpasalamat din sila sa PSC at kasama ang Bukidnon sa ating layunin na palakasin ang sports sa kamalayan ng mga Indigenous community,” pahayag ni Maxey.
Nagpulong ang PSC technical group, sa pamumuno ni Executive Assistant Karlo Paolo Pates, at support group ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bukidnon, gayundin ang mga ‘Tribal Leaders’ para maisaayos ang ilalargang Indigenous Peoples Games sa Bukidnon sa Agosto 13-18.
Inendorso rin ni Zubiri, ayon kay Mazey, na gawing taunang programa ang Indigenous Peoples Games bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kaamulan Festival sa Bukidon.
Ipinahayag ni Maxey na binisita rin ng Technical Working Group ang mga posibleng venues sa torneo at ang pagsasagawa ng Photo Contest para mapalawig ang kaalaman sa mga tradisyunal na laro na nakakalimutan na nng modernong Pinoy.