BEIJING (AFP) – Nagbabala kahapon ang China sa United States na hindi ito natatakot sa trade war kasabay ng bantang bubuwisan ang $3 bilyon halaga ng kalakal ng US bilang ganti sa hakbang ni President Donald Trump laban sa Chinese imports.

Inilatag ng Beijing ang listahan ng mga kalakal na maaaring patawan ng hanggang 25 porsiyentong buwis, mula sa sariwang prutas hanggang sa karneng baboy at alak, ngunit sinabing handa itong makipagnegosasyon para sa kasunduan.

Nataranta ang stock market sa huling trade action sa pagtindi ng pangamba na maaaring pasimulan ng US, inaakusahan ang China ng mass theft ng intellectual property at iba pang unfair practices, nakapipinsalang trade war.

“China does not want to fight a trade war, but it is absolutely not afraid of a trade war,” sinabi ng commerce ministry.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ilang oras bago nito, nilagdaan ni Trump ang kautusan na maaaring magresulta sa paghihigpit sa Chinese investment sa US, na aniya’y “first of many” trade actions.

“We have a tremendous intellectual property theft situation going on,” ani Trump sa paglagda niya sa bagong trade order, na posibleng kabibilangan ng 25% buwis.