Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY, Tarlac - Isang 83-anyos na lalaki ang nagbaril sa kanyang sarili dahil binabagabag umano ito ng kanyang karamdaman sa Barangay Matatalaib, Tarlac City, nitong Huwebes ng umaga.

Dead on the spot si Juanito dela Pasion, ng Sto. Niño Village, Barangay Matatalaib, Tarlac City, sanhi ng isang tama ng bala ng .38 caliber revolver sa ulo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay SPO2 Roberto Bautista, Jr., ng Tarlac City Police, bago magpatiwakal ay matagal na umanong binabagabag ng kanyang karamdaman ang matanda.

Sa pahayag ng anak na si Ropna, 35, sinabi niyang nakarinig siya ng malakas na putok ng baril sa kuwarto ng ama at nang puntahan ito ay nakita niyang nakabulagta at duguan na ito.

Nakarekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala mula sa .38 caliber at apat na bala.