AUSTIN (AFP) – Kinondena ni US President Donald Trump nitong Martes ang serye ng package bombings sa Texas, tinawag ang mga nasa likod nito na “very, very sick,” kasunod ng pagsabog sa isang pasilidad ng FedEx na ayon sa mga opisyal ay tila may kaugnayan sa apat na iba pa.

Hanggang ngayon, ang serye ng mga pagsabog na nagsimula noong unang bahagi ng Marso ay sa Austin lamang nangyari, ang kabisera ng estado kung saan dalawang katao ang namatay at maraming iba pa ang nasugatan.

Ngunit nitong Lunes ng hatinggabi, isang package ang sumabog sa FedEx distribution facility sa Schertz, sa labas ng San Antonio. Hindi kinumpirma ng mga awtoridad ang mga ulat sa media na ang package ay naglalaman ng metal shrapnel at mga pako. Walang seryosong nasugatan, ngunit naniniwala ang mga opisyal na magkakaugnay ang mga pag-atake.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“This is obviously a very, very sick individual or maybe individuals. These are sick people, and we will get to the bottom of it,” sinabi ni Trump.

Sa kabila ng daan-daang police officers at federal agents na nagtatrabaho sa kaso, wala pa rin silang nakukuhang lead.

“We have no clue who this is, absolutely no clue,” sinabi ni Texas Congressman Brian Babin sa Fox Business Network.

Iniulat ng local media ang ikaanim na pagsabog sa Goodwill thrift store sa Austin.