Ni Beth Camia

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng plunder sa Office of the Ombudsman si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson.

Ang reklamo ay kaugnay ng nabunyag na pekeng road right of way claims para sa mga proyekto sa General Santos City, na nagkakahalaga ng P8.7 bilyon.

Bukod kay Singson, inireklamo rin ng graft, grave misconduct, at dishonesty ang 33 na iba pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang sa mga inireklamo ang mga dati at kasalukuyang opisyal at empleyado ng DPWH-Region 12, auditor mula sa Commission on Audit (CoA), at Land Registration Authority.