SAO PAULO (AP) – Palalawakin ng Brazil ang kampanya nitong bakunahan ang mga tao laban sa yellow fever para sakupin ang buong bansa.

Inilahad ni Health Minister Ricardo Barros na sa pagsama sa huling apat sa 27 estado ng Brazil, halos 78 milyong katao ang mababakunahan pagsapit ng 2019.

Sinabi ni Barros sa news conference nitong Martes na 920 kaso ng yellow fever ang iniulat sa buong bansa simula noong Hulyo 2017 at 300 katao ang namatay sa sakit. Sa parehong panahon nitong nakaraang taon, 610 kaso at 196 namatay ang iniulat.

Ang virus ay maaaring ikalat ng parehong lamok na nagdadala ng iba pang tropical diseases, kabilang na ang Zika at dengue.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina