IDLIB (AFP) – Isang bomba ang bumagsak malapit sa isang paaralan sa hilagang kanlurang probinsya ng Idlib sa Syria nitong Miyerkules, na ikinamatay ng 16 na bata, sinabi ng isang monitoring organization.

“Twenty civilians, including 16 children, were killed in an air strike in Kafr Batikh in Idlib province,” iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights.

Sinabi ni Rami Abdel Rahman, pinuno ng Britain-based monitor, na bumagsak ang bomba malapit sa checkpoint ng Hayat Tahrir al-Sham, isang jihadist group na binubuo ngkaramiha’y mga dating miyembro ng Al- Qaeda affiliate.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hindi pa malinaw kung sino ang responsable sa air strike.

Ayon kay Abdel Rahman, tinamaan ng bomba ang mga batang palabas sa katabing eskuwelahan. “The oldest among them is 11,” aniya.