Ni Mary Ann Santiago at Ariel Fernandez

Anim na ang patay sa sunog na sumiklab sa Manila Pavilion sa Maynila kamakailan.

Sa opisyal na pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), kinumpirma nito na binawian na rin ng buhay ang isa pa nilang empleyado na si Jennilyn Figueroa, 28, internal security staff, sa Manila Doctor’s Hospital kahapon.

Una nang iniulat na nasawi si Figueroa sa sunog nitong Linggo, ngunit kalaunan ay na-revive ng mga doktor subalit nanatiling kritikal.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bukod kay Figueroa, lima pang tauhan ng PAGCOR ang kinumpirmang namatay sa sunog.

Samantala, nagbabala ang PAGCOR laban sa tumangay ng libu-libong casino chips nang maganap ang sunog.

A y o n k a y P A G C O R Assistant Vice President for entertainment Jimmy Bondoc, sinamantala ng ilang manlalaro ang insidente at tinangay ang casino chips na naiwan sa mga lamesa nang lisanin ng mga dealer ang lugar upang makaligtas.

“Stolen casino chips have no value once it brought outside the casino,” ayon kay Bondoc.