HATAW si Carl Tamayo sa naiskor na 16 puntos at walong rebounds para sandigan ang National University kontra Bacolod Tay Tung High School, 81-63, nitong Lunes sa SM-NBTC National Finals sa MOA Arena.

Naisaayos ng eighth-seed Bullpups ang duwelo sa Sweet 16 kontra No. 12 Adamson sa Martes.

Sa Cuneta Astrodome, ginapi ng Hope Christian High School, sa pangunguna ni Harvey Pagsanjan na tumipa ng 35 puntos, pitong rebounds, at tatlong steals, ang St. Benilde-Laguna, 85-77.

Sunod na mapapalaban ang No.9 Hope Christian sa No.8 Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanaig naman sa Palm Coast Manila ang No.2 La Salle Greenhills kontra Jesus The Loving Shepherd Naga, 85-46.

Makakaharap ng Greenies ang No. 18 Lyceum-Cavite sa Sweet 16.

Sa iba pang laro sa MOA Arena, nanaig ang No. 4 University of the Visayas kontra University of Luzon Dagupan, 100-73. Makakaharap ng UV ang No. 13 FilAm Sports-USA sa Sweet 16.

Ginapi naman ng No.7 San Beda, sa pangunguna ni Justine Sanchez na may 21 puntos, ang No. 26 Don Bosco-Dumaguete, 105-40. Sunod na mapapalaban ang Red Cubs sa San Sebastian.