PORTLAND, Oregon (AP) — Tinuldukan ng Houston Rockets ang 13-game winning streak ng Portland TrailBlazers, 115-111, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw si James Harden sa naiskor na 42 puntos para sandigan ang Rockets sa ikaanim na sunod na panalo.

Nag-ambag si Chris Paul ng 22 puntos.

Kumana si Al-Farouq Aminu ng 22 puntos, tampok ang anim na three-pointer para sa Portland.

Bukod sa bronze medal: Elijah Cole, kinakiligan sa face card pati 'pangalan' niya