MULING tututukan ng spotlight si Maja Salvador habang humahataw sa Manila leg ng kanyang Maja On Stage tour sa Kia Theater sa Biyernes, Marso 23.

mAJA copy

Isang taong tumutok sa pag-arte si Maja, pero hindi pa man natatapos ang Wildflower ay inalok na agad siya para sa series of concerts na agad niyang tinanggap dahil sabik na rin siyang magtanghal nang live sa stage.

“No’ng sinabi na may plans about concert at ano magiging title, sinabi ko lang na parang na buong 2017, nagpaka-actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, di ba? So parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” sabi ni Maja.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Produced ng Four Lights Entertainment Productions, ang Maja on Stage ay ikaapat na major show ni Maja. Nauna na ang Maj: The Legal Performer (2014), Majasty (2015) at Only Maja (2016). Itong Maja On Star ay nauna nang itinanghal sa Cebu, Oklahoma at Las Vegas last month.

“Eh, forever love ko ‘yon. Forever love ko ‘yong pagso-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, babalik-balikan ko s’ya,” sabi ng dalaga.

Tulad ng jaw-dropping at viral performances niya sa ASAP, ipinangako ng Dance Princess na pawang explosive numbers ang gagawin niya sa Kia Theater. Para sa tickets, bisitahin lang ang ticketnet.online.

“Siyempre, not the same as sa MOA, sa mga naging concerts sa Music Museum, kasi siyempre we want something new naman lagi. So, iba ‘yung atake sa music, sa sayaw,” aniya.

Makakasama ni Maja ang kanyang Wildflower leading men at hunky Kapamilya stars na sina Joseph Marco, RK Bagatsing at Vin Abrenica, ganoon din ang kanyang comedian friends na sina Kakai Bautista at Pooh, ang trending youngstar na si Maymay Entrata, Sample King Jhong Hilario at iba pang surprise guests.

“Siguro sa lakas din ng Wildflower ‘yung mga producers ‘yung may gusto na kasama si Vin, si RK and Joseph. ‘Tapos may Kakai and Pooh. S’yempre si Kakai, kaibigan ko. And si Pooh, magaling na komedyante naman ‘yon, di ba? At nag-trending ‘yung tour naming ‘yon sa Canada,” sabi ni Maja.

Bagamat umaamin na lagi pa ring kinakabahan tuwing aakyat sa stage para humarap nang live sa audience, malakas pa rin ang loob ni Maja sa live performance dahil itinuturing niya itong personal na pasasalamat sa supporters niya.

“Siguro ‘yung always na sinasabi ko, to give happiness. ‘Yung magbigay ng entertainment sa mga kapamilya natin sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang bansa. ‘Yun naman talaga ang gusto ko kaya ko ginagawa ang lahat ng ito,” pagtatapos niya.