Ni Nitz Miralles

PINAG-ISANG DIBDIB sa isang civil wedding ceremony sina Joey de Leon at Eileen Macapagal nitong Lunes. Sa Supreme Court ginanap ang kasal nila at sa Manila Hotel ang reception. Matipid si Joey sa pagpo-post ng wedding photo sa Instagram, isang photo lang ang nakita namin at matipid din sa caption.

Joey at Eileen

Ang sabi lang, “Mr. and Mrs. de Leon.”

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Sa IG story ng anak nina Joey at Eileen na si Jako, nabanggit nitong 35 years nang nagsasama ang parents niya bago ikinasal.

Iilan din lang ang witness sa kasal nina Joey at Eileen, ang nakita lang namin sa Supreme Court ay sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto at Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Dumalo rin si Mike Enriquez, pero wala siya sa litrato dahil siya ang kumuha ng pictures.

Sa reception sa Manila Hotel, nakita sina Ruby Rodriguez at Ryan Agoncillo at sa IG story ni Sen. Tito, nakitang nagsasayawan sina Helen, Ruby at Pauleen.