Ni Bert De Guzman

Inaprubahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Lunes ang pag-iisyu ng subpoena ad testificandum kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos at 6 na opisyal ng Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN) para dumalo sa pagdinig sa Mayo 21, 2018 at magbigay ng kanilang testimonya.

Nais ng komite, sa pamumuno ni Rep. Johnny Pimentel, na malaman kung saan ginamit o ginastos ang milyun-milyong pisong parte ng probinsiya sa tobacco excise tax.

Ang House Resolution 1126 tungkol sa imbestigasyon kina Marcos at iba pang opisyal ng PGIN ay inakda nina Makabayan Reps. Carlos Isagani Zarate, Emmi de Jesus, Antonio Tinio, Arlene Brosas, France Castro at Sarah Jane Elago.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'