Nina Leslie Ann G. Aquino, Bert De Guzman at Leonel M. Abasola

Tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14 sa kabila ng pagpapatibay ng House of Representatives sa pangatlo at pinal na pagbasa sa panukalang batas ilipat ito sa Oktubre.

“Without a law postponing it, the BSKE2018 must continue to be considered a ‘go’,” ipinahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

“The COMELEC will continue with the work of preparing for polls,” diin niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa botong 211-29 na walang abstention, pinagtibay ng Kamara sa pangatlo ang pinal na pagbasa nitong Lunes ang House Bill 7378, na nagpapaliban sa BSKE sa Mayo 14, 2018 para idaos sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.

Gayunman, sinabi ni Senate President Koko Pimental na malabong maipasa ito sa Senado dahil kulang na sa panahon.

Binigyang diin rin ni Senator Bam Aquino na wala nang urungan ang halalan sa Mayo.

“Tuloy na tuloy na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Walang ipapasa na postponement sa Senado. Wala nang makapipigil pa sa halalan sa Mayo 14,” diin ni Aquino.

Kinontra ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang hakbang ng Kamara.

Sa isang pahayag, sinabi ni PPCRV chairperson Rene Sarmiento na tutol sila sa panukala dahil hindi ito nakabubuti sa bansa.

“The renewed congressional initiative after two postponements is fast becoming a habit and is not good for our country that proclaims itself as a ‘democratic and republican’,” aniya.

Ayon pa kay Sarmiento naiinip at nauubusan na rin ng pasensiya ang mga botante sa paulit-ulit na pagpapaliban sa halalan.

“Their legitimate clamor for the holding of the May 14, 2018 barangay elections is becoming loud and clear,” aniya.

Orihinal na itinakda ang BSKE noong Oktubre 31, 2016, bago ipinagpaliban noong Oktubre 23, 2017 at muli ngayong Mayo 14, 2018.