Ni Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
6:30 n.g – SMB vs Ginebra
TATAPUSIN na kaya ng San Miguel Beer o makakahirit pa ang Barangay Ginebra?
Para sa barangay, makakaya ng Kings na mapahaba ang serye at maipamalas ang ‘never-say-die’ character na nagpabantog sa koponan mula noon hanggang ngayon sa pagpalo ng Game 5 ng kanilang best-of-seven semifinal series ng PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.
Nakatakda ang duwelo ganap na 6:30 ng gabi.
Maging ang kampo ng Beermen ay hindi kampante sa kabila ng 3-1 bentahe.
“It’s not yet over, until the fat lady sings. We’ll see what will happen,” ani Austria. “What I’m trying to have with our team is ‘yung energy. That’s very crucial.”
“3-1 is still manageable ‘yan para sa opponent. Dahil hindi ko makakalimutan, we’re leading 3-1 against Ginebra noong player pa ako ng Shell, and then we lost,” pagbabalik-tanaw nito sa 1991 First Conference Finals
“And same thing, from 0-3, nanalo kami 4-3,” dagdag nito na tinutukoy naman ang tinaguriang Beeracle na ginawa nila noong 2016 Philippine Cup finals kontra Alaska Aces.“Kaya everything is possible, kaya hindi kami pwedeng mag-relax.”
“Must-win for us, for us to get a good rest going to the Finals,” aniya.
Sa kabilang dako, aminadong na “outclassed” at “outcoached” si Tim Cone ni Austria sa Game 4, kaya siguradong paghahandaang mabuti ng PBA winningest mentor ang laban.