NAKOPO ni Michael Ocido ng Victorias City,Negros Occidental ang kampeonato sa katatapos na 8th HDBank Cup International Open Chess kamakailan sa na ginanap sa Army Hotel sa Hanoi, Vietnam.

Nakakolekta si Ocido ng 7.5 puntos mula sa anim na panalo at tatlong tabla sa nine-round Challengers section tournament. Bukod sa elegant trophy ay naiuwi din ni Ocido ang $1,200 top prize.

Limang manlalaro ang nakaipon ng tig 7.0 puntos tungo sa pagkopo ng $500 dahil sa kanilang effort at ng ipinatupad ang tie break points si Fide Master Vuong Trung Hieu ng Vietnam ang second place, si Recarte Tiauson ng Talisay City,Negros Occidental ang third place si Fide Master Nelson Villanueva ng La Carlota City, Negros Occidental at fourth place si Nguyen Huynh Tuan Hai ng Vietnam.

Panglima si Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido ng Dasmariñas, Cavite.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakatangap ng suporta ang Philippine chess team kay Philippine Ambassador-to-Vietnam Noel Servigon na personal pang sinamahan ang mga players sa closing ceremony, ayon kay team spokesman Recarte Tiauson.

“We would like to thank Philippine’s Ambassador-to-Vietnam Noel Servigon who gave us moral support here in Hanoi, Vietnam,” sabi ni Tiauson, Technical Support Representative sa RingCentral sa Mandaluyong City.

Samantala, nakopo ni Grandmaster Sandro Mareco ng Argentina ang Open division na may 7.5 puntos.