WASHINGTON (AFP) – Sinabi ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na kapag nagdebelop ang Iran ng nuclear weapon, susunod ang Riyadh – ilang araw bago ang nakatakda nilang pag-uusap ni US President Donald Trump sa Washington sa Martes.

“Saudi Arabia does not want to acquire any nuclear bomb, but without a doubt, if Iran developed a nuclear bomb, we will follow suit as soon as possible,” sinabi ni Prince Mohammed sa panayam ng CBS television, na ang ilang parte ay inilabas nitong Huwebes.

Inihalintulad ng Saudi royal ang supreme leader ng Iran kay Adolf Hitler, at nagbabala na maaari nitong salakayin ang Middle East gaya ng ginawa ng mga Nazi ng Germany noong World War II.

Ayatollah Ali Khamenei ‘’wants to create his own project in the Middle East, very much like Hitler who wanted to expand at the time,’’ ayon sa 32-anyos na tagapagmana ng trono.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Inilabas ang sipi ng panayam, ilalabas nang buo sa CBS sa Linggo, kasabay ng pagbabanta ng administrasyong Trump na wawakasan ang nuclear deal sa Iran, at magiging malaya na ang Tehran sa pagbuo ng atomic weapons.