Ni Annie Abad

TINUGUNAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kahilingan ni Paralympics Table Tennis bronze medalist Josephine Medina na magkaroon ng personal coach na tututok sa kanyang pagsasanay para sa malalaking kompetisyon na kanyang lalahukan.

Sinabi no PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na mahalagang may personal na coach si Medina na magtatangkang magkwalipika sa 2020 Tokyo Paralympics.

“Josephine can visit me at the office anytime and submit a formal report on her foreign exposure and expenses. The PSC will be happy to accommodate her,” pahayag ni Ramirez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Medina sa lingguhang Facebook live chat ng PSC-POC Media Group kahapon, sariling sikap lamang siya at sa tulong ng kapwa atleta para makapagsanay. May pagkakaton ding sariling pera niya ang ginagamit para makalahok sa kompetisyon.

“It’s true. I paid for all of my qualifying tournaments just to compete in the World championships,” pagbabalik-gunita ni Medina.

“I trained on my own but I’m thankful that I qualified during the Rio Games,” aniya.

Sunud-sunod na karangalan ang ibinigay ni Medina sa bansa matapos niyang kunin ang gintong medalya buhat sa isang torneo sa Thailand, kasunod ang Rio Olympics bronze medal noong 2016, kasunod ang gintong medalya muli sa Las Vegas sa singles event at nag-uwi din ng silver at bronze medal sa Taichung Taiwan Open noong nakaraang taon.

Ang nasabing torneo ang siyang naging qualifying round upang makalahok siya sa World Championship sa Slovenia sa Oktubre 15.

Sinabi umano sa kanyang Philspada na wala umanong budget para sa mga nasabing qulifying tournaments kung kaya kinailangan niya na gumawa ng paraan upang makalahok sa mga nasabing torneo.

“Players from other countries have their own trainers and coaches. Here I have to do it all by myself,” pahayag ni Medina.

Ang Philspada na pinamumunuan ni dating PSC Commissioner Mike Barredo ang organisasyon na nangangasiwa sa mga atleta na tulad ni Medina.