ni PNA

NAKATAKDA nang isapinal at aprubahan ng local government units (LGUs) ng Metro Iloilo Guimaras Economic Development Council (MIGEDC) ang working plan para sa pagpapasigla sa council ngayong Setyembre.

Ito ay para sa maayos na development plans ng lokal na pamahalaan na binubuo ng council.

Nagpatawag ng pagpupulong si Iloilo City Mayor Jose Espinosa III na dinaluhan ng mga miyembro ng council kung saan napagkasunduan nila na “review the working mechanism and system of the MIGEDC as a metropolitan organization” sa Abril.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ni Espinosa na nais nilang magkaroon ng “holistic” approach sa pagpaplano ng pagbabago.

Ang Iloilo City ang kasalukuyang namamahala sa MIGEDC habang ang Guimaras ang co-chair at ang mga miyembro nito ay ang bayan ng Pavia, San Miguel, Oton, Leganes at Sta. Barbara sa Iloilo at ang pangulo ng League of Municipalities of Guimaras.

Sinabi ni Espinosa na ang huling pagpupulong ng MIGEDC ay isinagawa mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Sa pagpapasigla sa council, nais ng alkalde ng awtorisado at permanenteng representative mula sa bawat miyembro.

Ang MIGEDC ay “focuses on the total development of the area.”

Binanggit niya ang halimbawa na ang Iloilo City ay nakakukuha ng supply ng pagkain mula sa immediate vicinity.

Nagkaroon din ito ng epekto sa transportation sector at boarding houses, at iba pa, kaya kinakailangan itong ikonsidera sa pagpaplano sa hinaharap.

Ang ugnayan na magkokonekta sa Guimaras at Iloilo City “will be advantageous to all of us,” sinabi ng alkalde.