Ni Orly L. Barcala

Tumimbuwang ang isa umanong tulak ng ilegal na droga, na wanted sa Malabon City, nang tangkaing makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Valenzuela City Medical Center si Doddie Bangayan, 37, ng No. 548 Pena Compound, Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni Chief Insp. Jowilouie B. Bilaro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), natanggap nila ang impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na gawain ni Bangayan sa kanilang lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pakikipagtulungan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa SDEU, nagkasa ng buy-bust operation, dakong 6:30 ng gabi.

Aarestuhin na nina PO3 Junjay Tumbado at SPOI Roberto Santillan ang suspek nang bigla umano itong bumunot ng baril, ngunit inunahan nang barilin ng mga pulis.

Ayon kay SPO1 Santillan, may nakabimbin kaso ang suspek sa Malabon RTC Branch at lumipat ito sa Valenzuela para magbenta umano ng ilegal na droga.

Narekober sa suspek ang isang caliber .38 revolver, P500 buy-bust money, at 16 na pakete ng hinihinalang shabu.