Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Hindi na nakauwi nang buhay ang isang manggagawa nang aksidente itong mabagsakan ng angle bar sa pinagtatrabahuhang kumpanya sa Gerona, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Sinabi ni PO3 Christina Rirao, ng Gerona Police headquarters, na dead on the spot si Jerry Daguio, 21, ng Barangay San Agustin, Gerona, Tarlac matapos magtamo ng malaking sugat sa ulo.

Ayon sa pulisya, nagkukumpuni si Daguio sa ikalimang palapag ng gusali ng Poekhand Feed Mill Incorporation sa Bgy. Caturay, Gerona, nang aksidenteng bumagsak ang angle bar mula sa ikasiyam na palapag ng gusali, at nasapul sa ulo si Daguio.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog