NAGTALA ng impresibong panalo ang magkapatid na Sam Lander at John Patrick Capocyan tungo sa overall championship sa katatapos na 2018 Texas State Scholastic Championships (North/Central) na ginanap sa Marriot Westchase Hotel sa Houston, Texas.

Ang nasabing event ay suportado ng Dallas Chess Club at sanctioned ng Texas Chess Association (TCA) at ng United States Chess Federation (USCF).

Ang taunang scholastic event ay nasilayan ang mga estudyante ng Texas mula Kinder hanggang 12th Grade. Ang mga kategorya ay Primary (kinder to 3rd grade), Elementary (4th to 6th grade), Middle School (6th to 8th grade) at High School (9th to 12th grade) sections. Ipinatupad sa 7 rounds Swiss ang G60 na may 5 seconds delay sa elementary, at G75 na may 5 seconds delay sa high school.

Nasikwat ng nakatatandang Sam Lander C. Capocyan ang 1st place sa high school championship section.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang 17-anyos na si Sam Lander na naka enroll sa Kempner High School sa Sugar Land, Texas at senior student ay nakisalo sa 1st place na may nakamadang 6.5 puntos, subalit naiuwi ang titulo dahil mas mataas ang tiebreak points.

Habang ang nakababatang John Patrick C. Capocyan ang 1st place sa elementary championship section na may 6.5 points out of 7.

Ang 10 years old John Patrick ay nasa 5th grade sa Cornerstone Elementary sa Sugar Land, Texas.

“I am actually speechless to have 2 Texas scholastic chess champions in my household. Very lucky I should say,” pahayag ng kanilang ama na si Dr. Owen Capocyan ng OakBend Medical Group sa Sugar Land, Texas.

Ang magkapatid na Sam Lander at Joh Patrick Capocyan ay parehong estudyante nina US based Filipino Grandmaster Julio Catalino Sadorra at Cagayan de Oro City National Master Rustum Tolentino.