Ni Mary Ann Santiago

Mahigit 300 rail workers ang kailangan ng isang consortium company sa Qatar para sa itinatayong light rail transit na Doha Metro, na bubuksan sa 2019.

Nabatid na kinuha ng Mitsubishi Heavy Industries (MHI) ang lokal na rail maintenance provider na Comm Builders and Technology Philippines (CB&T Philippines) para mangalap ng 330 engineers, technicians at iba pang Pinoy skilled workers.

Ayon kay Roehl “Boyett” Bacar, presidente at chief operating officer ng CB&T at ng affiliate nito na employment agency, ang CBT Pro-Staff, Incorporated, aabot sa triple ang suweldong alok sa magiging pioneer employees na magpapatakbo ng Doha Metro.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema