Nina Hans Amancio at Mary Ann Santiago

Nag-aagaw buhay ngayon sa pagamutan ang isang guwardiya makaraang pagtulungang bugbugin at tagain ng anim na lalaki sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Kimson Magro, 25, ng Antonio Rivera Street, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Julius Vincent Libang, ikinakandado ng biktima ang gate ng binabantayang gusali sa Antonio Rivera St., Tondo, dakong 11:00 ng gabi nang dumating ang apat hanggang anim na hindi kilalang lalaki.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa hindi malamang dahilan, kaagad pinagtulungang suntukin ng mga suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima habang ang isa ay tumaga sa kanang balikat ni Magro, gamit ang jungle bolo.

Matapos ang insidente, nagkanya-kanyang takas sa hindi batid na direksiyon ang mga suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang Moriones-Tondo Police Station para sa ikadarakip ng mga suspek.