PANIQUI, Tarlac---Nakopo ni Philippine chess wizard Erich Ross Micua ng Rosales, Pangasinan ang top honors sa Paniqui Kiddies Chess Tournament 2018 nitong Sabado sa Barangay Hall ng Barangay Estacion, dito.

Ang 12-year-old Micua, Grade 6 pupil ng Calanutan Elementary School sa Rosales, Pangasinan ay nakakolekta ng limang puntos mula sa limang panalo at isang kabiguan sa six-round tournament na suportado ng Santillan Family.

Mula sa pangangasiwan ni coach/trainer Rosulo Vigilia Cabusora Jr., regional sales coordinator ng Prima Sassy Belle Corporation, nahasa si Micua na nagtala ng panalo kontra kina Lira Placer sa first round, June Kenneth Ocampo sa second round at Christian Erickson Costuna sa third round bago yumuko kay Alfred Miranda Jr. sa fourth round.

Nakabalik sa kontensiyon si Erich Ross matapos daigin sina Hariom Das Arceo sa fifth round at Harerama Dasi Arceo sa sixth at final round.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Sa katunayan, sina Erich Ross at Christian Erickson ay kapwa nakapagtala ng tig 5.0 puntos subalit nakami ng una (Erich Ross) ang titulo dahil mataas ang tie break. Si Miranda Jr. ay tumapos naman sa ika-3 puwesto an may 4.5 puntos. Si Miranda Jr., na pambato ng Paniqui, Tarlac, ang bukod tanging manlalaro na tumalo kay Erich Ross sa fourth round sa 20 minutes plus three seconds increment rapid time control format sa event na inorganisa naman ni Alfred Miranda kung saan ang Chief Arbiter ay si Alberto Arellano.

Ang 2017 DepEd provincial meet silver medallist ay nais sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si Woman Fide Master Samantha Glo Revita at Princess Mae Sombrito na taga Rosales, Pangasinan.