Laro Ngayon

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

9:00 n.u. -- AdU vs UST (Softball Finals)

12:00 n.t. -- DLSU vs AdU (Baseball Finals)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

SISIMULAN ng Adamson ang target na double championship sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas at De La Salle sa UAAP Season 80 softball at baseball championship ngayon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Haharapin ng eight-peat seeking Lady Falcons ang Tigresses sa (9:00 ng umaga, habang mapapalaban sila sa Green Batters sa 12:00 ng tanghali.

“Ang saya-saya ng Adamson community kasi after almost a decade, pumasok ang baseball namin and lalo mas masaya kasi dalawa kaming pumasok,” sambit ni Lady Falcons coach Ana Santiago.

“The Finals is the best of the best,” aniya.