Ni Marivic Awitan

SIMULA pa lamang ng kanilang kampanya sa semifinal round ng 2018 Philippine Cup kontra NLEX Road Warriors nitong Sabado, ngunit dobleng dagok ang agad ang inabot ng Magnolia Hotshots.

pingris copy

Bukod sa natamong 87-88 ma kabiguan sa Game One, nanganganib pa mabawasan ng player nang magtamo ng pinsala sa kaliwang tuhod ang team lider na si Jean Marc Pingris.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang linaw kung gaano kalala ang natamong injury ng dating Gilas standout sa kanyang kaliwang tuhod.

Matatandaang namimilipit sa sakit na inilabas sa pamamagitan ng stretcher si Pingris sa bungad ng fourth quarter sa Game One nitong Sabado sa Araneta Coliseum.

Nawalan ng balanse ang 36-anyos na beteranong forward may 4:39-pang nalalabi sa final quarter pagkaraan siyang madepensahan ni NLEX forward JR Quiñahan.

“What happened to Ping is very unfortunate,” ayon kay NLEX head coach Yeng Guiao. “But those things happen especially in the playoffs. When games are hard and physical, those things can happen, and we hope he’s okay.”

Halos lahat ng mga manlalaro ng magkalabang koponan ay naghahangad na sana’y walang anumang grabeng nangyari sa 14-year league veteran.

“My prayers are up for him,” ayon kay NLEX guard Alex Mallari,dating naging kasangga ni Pingris sa Grand Slam-winning team na San Mig Coffee. “You hate seeing that to anybody, let alone Ping who’s such a great guy, great teammate.I hope he’s okay,” aniya.

“Pinagdasal ko lang si Ping. Kuya Ping is a very big part of my career,” ayon naman kay Road Warriors rookie Kiefer Ravena, who sees Pingris as his mentor in Gilas Pilipinas.

“It’s always sad to see a player go down like that. Hopefully he gets better.”

Para naman sa kakamping si Paul Lee, anuman ang mangyari, kailangan nilang maging handa.

“Si Kuya Ping, isa rin sa core ng team namin yun.Sobrang importante siya para sa’min,” ayon kay Lee.

“Kinausap naman ni coach yung ibang players na magready.Paghahandaan talaga namin.”