MOSCOW (CNN) – Ipinahayag ng Defense Ministry ng Russia ang matagumpay na pagsubok nito sa “invincible” missiles na sinabi ni President Vladimir Putin nitong nakaraang buwan na kayang maghatid ng warhead sa hypersonic speed at lusutan ang US defenses.

“A MiG-31 fighter crew of the Russian Aerospace Forces conducted a combat training launch of a hypersonic missile of the Kinzhal high-precision air missile system in the designated area,” saad sa pahayag ng ministry nitong Sabado.

“The hypersonic missile confirmed its technical operational performance and timing data of the Kinzhal missile system,” ayon pa sa pahayag.

Inilabas ng Russian Defense Ministry ang footage ng Kinzhal launch. Makikita sa video ang tila isang military jet na nagdadala ng missile. Malabo ang ilang parte ng missile.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matagumpay na tinamaan ng armas, dinisenyo para burahin ang targets sa lupa at dagat, ang assigned target sa training ground, sinabi ng ministry. Inilarawan nitong “normal” ang launch.