Ni Jun Ramirez

Hiniling ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng authorized agent banks (AABs) nito na palawigin ang kanilang banking hours mula 3 p.m. hanggang 5 p.m. simula sa Abril 1 hanggang sa Abril 16, ang deadline ng paghahain ng 2017 income tax returns.

Sa Bank Bulletin No. 2018-03, inatasan din ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang AABs na magbukas sa dalawang Sabado bago ang araw ng deadline ng paghahain ng ITR na papatak sa Linggo.

Inoobliga ang ABBs na sumunod sa instructions ng BIR batay sa memorandum of agreement na kanilang nilagdaan sa kagawaran at sa Bureau of Treasury.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinaalalahanan naman ng mga opisyal ng BIR ang taxpayers na maghain ng kanilang returns gamit ang lumang tax table at hindi ang bagong rate na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na sumasakop sa mga kinita sa 2018.