EB Dabarkads copy

Ni NORA CALDERON

MAGKAKASAMA ang Dabarkads ng Eat Bulaga sa muling pagpapasaya sa mga nagsi-attend sa AD Summit 2018 na ginanap sa Convention Center in Subic last Thursday.

Present ang buong Dabarkads sa pangunguna nina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kasama sina Alden Richards, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Luanne Dy, Jimmy Santos, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros pati na ang mga bagets na sina Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste at si Kendoll (ang PA ni Alden).

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Pinaghandaan nila ito kaya nag-taping pa sila para sa isang araw ng EB para makadalo sila at magpasalamat sa kanilang advertisers

Panay ang tilian ng audience sa dance number nina Alden at Maine, um-appear din si Ryzza at si Kendoll sa “Boss Madam” segment nila with Jose at Wally as hosts.

Namigay ng maraming premyo sa mga dumalo ang EB sa pamamagitan ni Bossing Vic, sa pamamagitan ng pag-raffle ng kanilang cellphone numbers na kinolekta during the show.

Nagpasalamat ang fans here and abroad sa live streaming ng show. Bumati sa kanila ang fans mula sa iba’t ibang bansa sa mundo na naaabot ng longest running noontime show sa GMA Pinoy TV.

Taun-taon ay hindi pumapalyang mag-perform sa AD Summit para magpasalamat ang hosts ng Eat Bulaga sa pangunguna ng producer ng TAPE na si Mr. Antonio P. Tuviera.