OAKLAND, Calif.(AP) — Pinasan ni Kevin Durant ang Golden State Warriors sa naiskor na 37 puntos, tampok ang 14 sunod sa huling apat na minuto, para sa come-from –behind, 110-107, panalo kontra San Antonio Spurs nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

nba

Kumubra rin ang one-time MVP ng 11 rebounds at apat na blocked shots.

Naisalpak ni Durant ang ikatlong sunod na jumper para maitabla ang iskor may 2:01 ang nalalabi bago tuluyang naagaw ng Warriors ang bentahe mula sa putback ni Draymond Green. Naisalpak ni Klay Thompson ang dalawang free throws may 15.9 segundo ang nalalabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May tsansa ang Spurs na mahila ang laro sa overtime, ngunit humalik lang sa rim ang bola mula sa three-pointer ni Bryn Forbes sa buzzer.

Naitala ni Green ang katlong triple-double ngayong season -- 11 puntos, 12 rebounds at 10 assists.

Nagtamo ng sprained sa kanang paa si Stephen Curry sa kalagitnaan ng first period at hindi na ito nagbalik aksiyon, subalit nagpakatatag ang Warriors sa kabuuan ng laro para maitala ang ikapitong sunod na panalo.

Nanguna sa Spurs si LaMarcus Aldridge sa naiskor na 30 puntos.

THUNDER 115, SUNS 87

Sa Oklahoma City, hataw si Russell Westbrook sa natipang 27 puntos, walong rebounds at siyam na assists sa panalo ng Thunder kontra Phoenix Suns.

“He set the table for everybody tonight,” pahayag ni Thunder coach Billy Donovan.

“He did a really, really great job of playing downhill, getting guys shots. He was terrific. His leadership, his communication out there in timeouts, in huddles, that’s what we need from him. Because when he does do all that — and it’s a lot on his plate — it just takes our team to a different level.

Nag-ambag si Paul George ng 21 puntos, habang kumana sina Corey Brewer ng 17, Steven Adams 16, at Carmelo Anthony 11.

“I feel more comfortable.I’m learning the system and each day is getting easier. For me I know how to fit. I’ve been in the league so long I know how to fit,” pahayag ni Brewer.

Kumubra si Devin Booker ng 30 puntos para sa Phoenix.

CELTICS 117, TIMBERWOLVES 109

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna nina Kyrie Irving at Al Horford, ang Minnesota Timberwolves.

Nagsalansan si Irving ng 23 puntos, habang tumipa si Horforf ng 20 puntos. Nag-ambag si Marcus Morris ng 17 puntos.

Kumubra si Nemanja Bjelica ng 30 puntos para sa Minnesota.

Dumalo si one-time MVP Derrick Rose sa shoot around ng Wolves, ngunit hindi pa ito naglaro ilang araw matapos kunin ng Minnesotta. Kumabig sina Taj Gibson ng 81 puntos at kumikig sina Karl-Anthony Towns at Jamal Crawford ng tig-15 puntos.

Sa iba pang laro,tinusta ng Miami Heat ang Philadelphia Sixers, 108-99.