Nina Calvin Cordova at Jun Fabon

CEBU CITY - Umapela kahapon sa pamahalaan ang mga magulang ng University of the Philippines (UP)-Cebu mass communications graduate na si Myles Albasin na palayain na ito matapos na arestuhin ng militar nitong Marso 3 sa Mabinay, Negros Oriental, sa alegasyong miyembro ito ng New People’s Army (NPA).

Bukod sa nasabing panawagan, binatikos din ni Grace Albasin ang pag-aresto sa 21-anyos na anak na nagtungo lang umano sa nasabing lalawigan upang mapag-usapan ang kaawa-awang sitwasyon ng mga magsasaka.

“My daughter is not a member of the NPA. What’s wrong with immersing with farmers? It is not a being a drug addict or a drunkard,” sinabi ni Grace sa ipinatawag na press conference sa UP-Cebu nitong Huwebes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama ni Myles na nasakote ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) sa Mabinay, sina Carlo Ybañez, 18; Ajomar Indico, 29; Randel Hermino, 19; Joel Baylosis, 18; at Bernard Guillen.

Nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkaroon muna ng bakbakan bago nila inaresto ang apat, kabilang na si Myles.

Kinuwestiyon ni Grace ang sinasabing nagkaroon muna ng engkuwentro.

“When I visited my daughter at the Negros Provincial Jail, she had no scratches or injury. If there was an encounter, there would have been marks in her arms because you have to duck or jump the moment shots were fired,” paliwanag ni Grace.

Iginiit naman ni Jimmylisa Badayos, ng human rights group na Karapatan-Cebu, na walang nangyaring labanan.

“Based on our investigation, an encounter didn’t happen. They were just sleeping in a house. Someone threw stones at the house while shouting at them to surrender. The military then barged in and arrested Myles and her companions. According to some residents, no firefight occurred and it was only the military who fired shots,” kuwento ni Badayos.

Nakumpiska umano sa grupo ni Myles ang anim na M-16 rifle at dalawang M-14 assault rifle, at nakasuhan na ng illegal possession of firearms.

Nakiusap din sa publiko ang magulang ni Myles na huwag munang husgahan ang kanyang anak at ihinto na rin ng mga ito ang mga maling impormasyon, lalo na sa social media.