LAGOS (CNN) – Umabot na sa 78 katao ang kumpirmadong namatay at 353 ang nahawaan ng “unprecedented” outbreak ng Lassa fever sa Nigeria, ayon sa Nigeria Centre for Disease Control.
May karagdagang 766 ang pinaghihinalaang nahawaan, at 3,126 contacts ang natukoy at binabantayan.
Ang lassa fever, acute viral hemorrhagic illness, ay endemic sa halos buong West Africa, lalo na sa Nigeria, kung saan ito nadiskubre noong 1969. Ang mga sintomas nito ay maaaring mild o severe, kabilang ang pagdurugo ng gilagid, mata o ilong.
Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, naisasalin ang sakit sa tao sa pamamagitan ng paghawak sa pagkain o bagay na kontaminado .