Ni NORA CALDERON

MAKIKITANG happy dad si Geoff Eigenmann sa 360 degrees turn simula nang magkakaroon siya ng baby girl, si Arabella Simone or Beeni, nila ng kanyang singer girlfriend na si Maya.

Geoff Eigenmann 3 copy copy

Six months old na si Beeni at ito raw ang best thing na nangyari sa buhay nila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I won’t change her with anything in this world,” sabi ni Geoff sa presscon ng Contessa. “I’m feeling old na having a baby now that I will turn 35 na on March 23. But happy kami ni Maya, kuntento sa nangyari sa amin. Napag-uusapan na namin ang kasal, pero hindi pa ngayon. Kailangan naming paghandaan dahil sa ngayon nasa period pa kami ng adjustments, may mga pinagdadaanan pa rin kami pero nagkakaintindihan kami sa isa’t isa.

“But marunong na akong magpalit ng diaper, noong nasa hospital pa kami nang manganak si Maya, nagpaturo pa ako sa nurse kung paano magpalit ng diaper. Ngayon, sanay na ako, ilang minutes lang napalitan ko na ang diaper niya. Nagbi-breast feed si Maya at gusto naming after a year pa siya bumalik sa singing.”

Walang contract saan mang network si Geoff, pero nasa GMA uli siya, after ng isang soap na ginawa niya sa Channel 2.

“May ini-offer sila sa akin na project pero medyo matagal pa ang preparation nila, tamang-tamang dumating naman itong offer ng GMA at tinanggap namin ng management ko. I’m thankful na we will work again together ni Glaiza de Castro sa Contessa. First time naming nagtambal noon sa Grazilda at noon pa marami na akong natutunan kay Glaiza dahil mahusay siyang actress.

“I will play the role of Gabriel Caballero, a self-made man and successful OFW pero babalik ako ng bansa nang malaman kong pinatay ang kapatid kong si Marco (Mark Herras) na asawa ni Bea (Glaiza).”

Kinumusta namin kay Geoff ang dating girlfriend na si Carla Abellana who’s happy now with boyfriend Tom Rodriguez. May chance ba they can work again together?

“We met them sa wedding nina Pancho Magno at Max Collins. Ipinakilala ko sa kanila si Maya at ang baby namin. Anything is possible, I’m open to work with her. Ako naman kung ano ang ibigay na project sa akin, tinatanggap ko, hindi ako choosy sa role kahit noon pa, kahit mahirap ang role, gagawin ko.”

Ang Contessa ay mula sa direksiyon ni Albert Langitan at mapapanood na simula March 19, pagkatapos ng Eat Bulaga.