Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Ginebra vs ROS

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. -- Alaska vs NLEX

GANAP nang makausad sa semifinal round sa pamamagitan ng tangkang pagwawalis ng kani-kanilang best-of-3 quarterfinals series ang tatangkain ng Barangay Ginebra at NLEX sa muli nilang pagsabak ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Magsisimula ang Game 2 ng series ng Kings at Rain or Shine Elasto Painters ganap na 4:30 ng hapon habang 7:00 naman ng gabi ang Game 2 ng Road Warriors at Alaska Aces.

Kumakatok na ngayon sa pintuan ng semis ang Kings matapos ang 88-80 panalo sa Game 1 nitong Lunes sa pangunguna nina LA Tenorio, ang kababalik pa lamang na si Joe Devance, Japeth Aguilar at Scottie Thompson.

Bagama’t crowd favorite, hindi naging malakas ang dating ng crowd sa MOA Arena sa simula ng playoffs.

Gayunpaman, ikinatuwa ni Tim Cone ang ipinakitang laro ng kanyang mga players na inaasahan nyang ipapakita ulit ng mga ito ngayon upang makabalik sila ng semifinals.

Sa panig ng Elasto Painters, inaasahan ni coach Caloy Garcia na sisikapin ng kanyang mga manlalaro na hindi na sila matatlong sunod ng Ginebra mula noong huling laro nila sa elimination.

Kabilang sa mga aasahan niyang mag-i-step-up sa kanilang performance sina Gabe Norwood, Raymund Almazan at Jay Washington na di gaanong naramdaman noong Game 1.

“Makakabawi kami. Basta, makakabawi kami,” pahayag ni Garcia.

Kumpiyansa rin si Alaska ace forward Calvin Abueva na makakabawi sa 99-105 na pagkatalo sa NLEX sa Game 1.