Ni Liezle Basa Iñigo

MANGALDAN, Pangasinan – Dalawang umano’y carnapper ang nakorner matapos maaksidente habang hinahabol ng taumbayan sa Barangay Buenlag, Mangaldan, Pangasinan, nitong Linggo ng gabi.

Ang dalawa ay kinilalang sina Roberto Esteron, 29; at Mark Neil Ramirez, 20, ng Bgy. Taculit Angio, San Fabian, Pangasinan.

Hinabol ng taumbayan ang dalawa nang itakas umano nila ang isang motorsiklo sa lugar.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Nabawi rin umano sa dalawa ang ninakaw na motorsiklo ni Benjamin Soriano, Jr., 29, ng Bgy. Buenlag, Mangaldan, Pangasinan.