NAKOPO ng San Beda University, Emilio Aguinaldo College at Arellano U ang unang titulo sa pagtatapos ng 93rd NCAA beach volleyball tournament nitong Sabado sa Boardwalk ng Subic Bay, Zambales.

Matapos magtapos na runners-up, nakamit ng kambal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray ang titulo sa women’s side nang gapiin ang tambalan nina Jaylene May Lumbo at Glyka Mariz Medina, 21-17, 21-10.

Tinapos ng Virays ang kampanya sa 11-0 sa torneo na itinataguyod Chigo Airconditioning, MTC & Infoworks, Crab & Belly, SBHATSVB, Subic Park Hotel, Bayfront Hotel, Terrace Hotel, SBMA, Balipure, Mikasa at Smart.

“We’re so ecstatic because after two years of losing in the finals, we finally won it,” sambit ni Maria Jeziela, tinanghal na MVP.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginapi naman nina Paolo Cezar Lim at Joshua Mina ng Emilio Aguinaldo College ang tambalan nina Joebert Almodiel at Rey Taneo ng Perpetual, 17-21, 21-17, 15-13 sa men’s class.

Nakamit naman nina Adrian Villados at Jesus Valdez ang high school diadem, 21-16, 21-18.