SEOUL (AFP) – Isang delegasyon ng South Korea ang patungo sa Pyongyang kahapon para sa mga pag-uusap sa pagitan ng nuclear-armed North at ng United States, sinabi ng lider ng grupo.

‘’We will deliver President Moon’s firm resolution to denuclearise the Korean peninsula and to create sincere and lasting peace,’’ sinabi ni South Korean national security advisor Chung Eui-yong.

Ipinahayag ng official Korean Central News Agency ng North ang kanilang napipintong pagbisita. Kabilang sa delegasyon si spy chief Suh Hoon, beterano sa pakikipagharap sa North. Magbabalik ang 10-member group -- limang top delegates at limang supporting officials – sa Seoul sa Martes.

Lilipad ang delegasyon sa US sa Miyerkules para ipaliwanag ang resulta ng dalawang araw na biyahe sa mga opisyal ng Washington, ayon sa presidential office ng SoKor.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture