Ni GENALYN D. KABILING

Ibinabala na ang bansa ay namumuhay sa “dangerous times,” ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa government security forces na panatilihing “cocked and locked” ang kanilang mga baril laban sa mga kaaway.

Sinabi ng Pangulo na kinakailangang manatiling nakaantabay at handa ang mga armas ng militar at pulis sa pagtahak nila sa “challenging task” sa pakikipaglaban sa mga kriminal, sa ilegal na droga, at terorismo.

“Bantay ka talaga. Naka-trigger ka palagi, ngayon nakatrigger ka talaga. Cocked and locked ka...Sabihin ko sa mga sundalo huwag ‘yung magluhod-luhod ka pa but be careful sa procedure,” pahayag niya sa police shootfest kamakailan sa Davao City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Those are the things that you have to remember. We live in dangerous times— more dangerous than the --- because we have so many fronts to confront. We are confronting the NPAs (New People’s Army), we are confronting the terrorists, meron pang droga. May mga organization pa na backup sila,” dagdag niya.

Sinabi ni Duterte na ang terorismo ay mananatili “for quite a time,” ngunit ipinangako niya na hindi uurong ang gobyerno laban.

“I predict that it would not go out of this planet within the next five to 10 maybe seven years,” aniya.

“Isang kalaban natin ‘yan. Iyan talaga bakbakan ‘yan. At walang atrasan diyan,” dagdag niya.

Bukod sa pagiging handa sa mga armas, inabisuhan ni Duterte ang tropa ng pamahalaan na magsagawa ng mobile checkpoints.

“’Yung mga Army palabas sa barracks, I do not advise na magpara-para kayo ng sasakyan. Eh tutal eh, gobyerno man ‘di ubusin ninyo ‘yung gasolina. ‘Di magpahatid kayo,” aniya.