Ni Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY - Isinara ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang 13 nightspot sa siyudad dahil sa paglabag ng mga ito sa curfew hours.

Kabilang sa mga ikinandado ang Red Lion Pub and Inn na nasa Leonard Wood Road, The Amper Sand (The Camp), Susan’s Bar, Igorota’s Bar, Golden Kalaleng Bar, Supersonic KTV Bar, The Likuor Store, at Concoctions.

Paglilinaw ni Allan Alboa, licensing officer ng lungsod, hindi sumunod ang mga establisimyento sa 12:00 ng hatinggabing closing time kahit na ilang beses na nilang inabisuhan ang mga ito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Bukod dito, mahabang panahon na umano ang ibinigay na palugit ng pamahalaang lungsod ngunit hindi pa rin tumalima ang nasabing mga establisimyento.

Isa rin sa mga pinagbatayan ng mga opisyal ng siyudad ay ang iniharap na reklamo ng pulisya at mga opisyal ng barangay na nagsasabing nag-o-operate pa rin sila kahit lagpas ng 3:00 ng madaling-araw.

“I don’t want people to think that we encourage drinking in our city or that we are becoming a liquor or drinking capital. These are things that we can sacrifice to maintain the good image of our City and the safety of our constituents,” paliwanag naman ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan, matapos iutos ang pagpapasara sa nasabing mga establisimyento.