Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

4:00 n.h. -- Ateneo vs NU (Game 3 Juniors Finals)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MATIRA ang matibay ang senaryo sa pagitan ng Ateneo de Manila at National University sa Game 3 ng championship ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Naipuwersa ng Bullpups ang winner-take -all Game 3 matapos nilang itabla ang serye nitong Martes kung saan pinutol din nila ang itinalang 15-game winning streak ng Blue Eaglets at winakasan ang pangarap na season sweep.

Nanguna si Miguel Oczon sa imresibong panalo ng NU, 70-67.

Para kay coach Goldwyn Monteverde, gagawin at ibibigay na nila ang lahat upang makamit ang minimithing kampeonato lalo ngayong kinabig nila ang momentum.

Bukod kay Oczon, sasandigan ni Monteverde upang maibalik ang titulo sa NU sina Rhyan Amsali, Michael Malonzo at Terrence Fortea.

Sa kabilang dako, hindi naman basta hahayaan ng Ateneo na mawalang saysay ang naging puhunang 14-game sweep ng eliminations.

Tiyak na babawi ang tropa ni coach Joe Silva sa nasabing krusyal na lapse noong nakaraang laro upang masundan ang yapak ng kanilang seniors squad.

Ilan sa aasahang mamumuno para sa Eaglets sina Kai Sotto, SJ Belangel, Dave Ildefonso at Jason Credo.