bago city copy

NAGA City, Cebu (PNA) - Pinatunyan ng Bago City ang taguring “Boxing Capital of the Philippines.”

Nagdagdag ng tatlong panalo ang Bago City sa hulibng araw ng kompetisyon para tanghaling kampeon sa Visayas quarterfinals ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup nitong weekend sa Enan Chiong Activity Center dito.

Pinangangasiwaan ni 2000 Sydney Olympian Larry Semillano,winalis ng Bago City ang pitong finals sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Office of Sen. Manny Pacquiao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naitala nina Carlo Guevarra at Nel Tambanillo ang referee-stopped-contest, habang nagwagi si Jasper John Anda via walk-over kay Calbayog’s Marvin Lucenesio sa Youth Boys bantamweight (56 kg) division.

Nadomina ni Guevarra si Calbayog’s Minvil Valad-on may 1:10 sa opening round ng Youth Boys light flyweight (46-49 kg.) category, habang kumana si Tambanillo kontra Bayawan’s Renz Lee Teves sa flyweight (52 kg.) category.

Iginiit ni Semillano, gold medalist sa 1997 Jakarta Southeast Asian Games, na inihanda niya ng todo ang mga bata para sa laban.

Nauna rito, nagwagi ang apat na Bago boxers sa Day 1 nitong Sabado. Umarya sina pinweight Rodel Gamo (44-46 kg), light flyweight Samuel Manale (48 kg.), flyweight Joshua Belicena (50 kg.) at light bantamweight Flint Jara (52 kg.) sa Junior Boys division para makausad sa Visayas semifinals na gaganapin sa Marso 17 sa Calbayog City.

“Balik eskuwela muna ang mga bata for two weeks pero tuloy pa rin ang practice tuwing hapon,” pahayag ni Semillano.

Narito ang iba pang resulta:

Light flyweight (46-49 KG.) Michael Adolfo (Cadiz) def. Jaylord Redondo (DSB) by RSC in Round 3 Edmund Oro (Escalante) def. Jimmybe Cais (CCSI) by split decision, 3-2;

Flyweight (52 kg.) -- Johnro Taneo (CCSI) def. Gilbert Cainap (Cebu) by walk-over; Bantamweight (56 kg.) -- Mike Angelo dela Torre (Murcia) def. Gerald Postrano (Sipalay) by RSC in rest period of Round 2; Lightweight (60 kg.) Romer Pinili (Bayawan) def. Randy Tanodra (SBC) via unanimous decision.