Ni Lyka Manalo

IBAAN, Batangas – Pitong katao ang naiulat na nasugatan nang magkarambola ang apat na sasakyan sa Ibaan, Batangas nitong Linggo ng hapon.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), kritikal ngayon sa Mary Mediatrix Medical Center ang mga pasaherong sina Cherry Ann Medrano, 26; at Roxan Medrano, 27 anyos.

Nagtamo naman ng minor injuries ang driver ng tricycle na si Domingo Montalbo, 47; at mga pasaherong sina Diane Montalbo, 6; Alyssa Montalbo, 9; Nicole Montalbo, 5; at Faith Medrano, 5, na pawang ginagamot sa Queen Mary Hospital.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa imbestigasyon ni PO2 Jaydee Mallari, dakong 5:00 ng hapon at binabagtas ng mga biktima, sakay sa tricycle, ang national highway sa Bgy. San Agustin nang bumangga ito sa unahan ng isang pick-up na hindi naplakahan.

Sumalpok naman sa kasalubong na pampasaherong jeep ang tricycle na minamaneho ni Justini Brionesang.