AALIS patungong Buenos Aires, Argentina ang walong junior swimmers upang makipagsapalaran sa 2018 Youth Olympic Games.

Pangungunahan ng 15-anyos na si Nicole Oliva ang tropa ng mga batang Pinoy swimmers na lalarga para sa nasabing quadrennial meet sa 18-under kasama sina Bhay Newberry, ang Fil-British na sasabak sa 100m backstroke, Rafael Barreto sa 100m butterfly, Xiandi Chua sa 200m individual medley, Philip Joaquin Santos sa 200m back, Regina Castrillo sa 100m butterfly at Miranda Renner sa 100m freestyle.

Si Oliva na pumuwesto ng ikaapat sa 200m freestyle sa nakaraang Southeast Asian Games ay nakapuwesto ng Qualifying Time A sa kanyang nalikom na 792 puntos buhat sa International Swimming Federation (FINA), habang ang pitong iba pa ay pumuwesto lamang sa Quality time B ng FINA.

Kabuuang 140 slots ang inilaan ng FINA para sa mga bata at magagaling na swimmers sa buong mundo partikular na sa 206 bansa para sa Youth Olympic Games na nakatakdang maganap sa susunod na taon. - Annie Abad

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!